• English
  • Հայերեն
TUNGKOL SA PROYEKTO:
Alta - Ang Human Atlas (Taong Atlas) ng Los Angels  ay isang proyektong pansining ng epekto sa lipunan ni Marcus Lyon sa pakikipagtulungan sa Getty Conservation Institute (GCI).

Ang mga proyekto ng Human Atlas ay batay-sa-pananaliksik na interdisiplinaryong eksplorasyon ng puhunang tao ng isang tinukoy na heograpiya. Para sa Alta, gagalugarin ng team ang kuwentong-buhay ng 100 kahanga-hangang tao na pinabibilis ang makabuluhang pagbabago sa kahabaan ng County ng Los Angeles, at pagkatapos imamapa itong kapansin-pansing mga indibidwal sa pamamagitan ng mga larawan, pabigkas na kasaysayang hinango sa app, at minanang DNA. Nagsisimula na ang Proseso ng Nominasyon at ilulunsad ang proyekto sa unang bahagi ng 2025. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa proyekto, mangyaring bumisita rito.
 

PROSESO NG NOMINASYON:
Malugod kang iniimbitahan ng Human Atlas Team na maghirang ng hanggang 5 tao mula sa iyong network na gumagawa ng mga makabuluhang kontribusyon sa Los Angeles. Huwag mag-atubiling magsuri pa at maghirang ng mga hindi kilalang bayani mula sa sari-saring komunidad ng rehiyon na gumagawa ng pagkakaiba nang hindi napapansin.

Inaasahan ng proyekto na saklawin ang pinakamalawak na ispektrum ng gawain ng tao; mula sa mga bata hanggang sa matatanda, mga indibidwal na nagtatrabaho sa lubos na partikular na mga inisyatiba sa iisang kapitbahayan, sa mga nag-aambag sa pagbabagong panlipunan, pangangalaga ng kalusugan, sa kapaligiran, mga sining, negosyo at sa komunidad... sa buong rehiyon at lampas pa.

Pagkatapos magsara ng proseso, susuriin ang lahat ng nominado ng isang maingat na pinangasiwaang Komite ng Curatorial na binubuo ng mga indibidwal na nakakaunawa at kumakatawan sa mga pangunahing nasasakupan ng rehiyon.

Upang maiwasan ang anumang pakiramdam ng pagkabigo, at bilang paggalang sa lahat ng kahanga-hangang indibidwal na hihirangin, iminumungkahi namin na huwag ipaalam ang mga nominasyon. Gumamit ng hiwalay na form para sa bawat tao at maghirang sa lalong madaling panahon.


MGA KATULONG SA PROYEKTO:
Si Marcus Lyon ay premyado at may internasyonal na pagkilalang beteranong artist. Nakagawa siya ng makabuluhang trabaho sa Brazil, Germany, Detroit, at Silicon Valley na napabilang sa mga pangunahing koleksyon kabilang na ang Arts Council Collection (UK), ang Detroit Institute of Art, Netherlands Foto Museum Rotterdam, Art Institute of Chicago, at sa Smithsonian sa Washington, D.C.

Ang Getty Conservation Institute ay nagtatrabaho upang magsulong ng gawain ng konserbasyon sa biswal na sining—mga bagay, koleksyon, arkitektura, at mga pook. Pinagsisilbihan nito ang komunidad ng konserbasyon sa pamamagitan ng siyentipikong pananaliksik, edukasyon at pagsasanay, mga modelo ng proyekto sa larangan, at malawak na pagpapalaganap ng mga resulta ng sarili nitong gawa at ng gawa ng iba sa larangan. 

Tulungan Kaming Isulong ang Pagkakapantay-pantay:
Kinikilala namin ang aming presensiya sa tradisyonal, minana, at hindi-isinukong teritoryo ng mga katutubong Gabrieliño Tongva, Chumash, Kizh, at Tataviam. Bilang paninindigan sa pagsusulong ng Pagkakapantay-pantay sa mga komunidad na sistematikong naisantabi na bahagi ng proyektong ito, magiging mahalaga ang impormasyong ibinigay mo tungkol sa mga nominado sa form na ito sa aming pagkamit ng malakas na heograpiko at demograpikong representasyon. Hinihikayat ka namin na sagutin ang lahat ng tanong sa abot ng iyong makakaya. Pananatilihing kumpidensyal ang lahat ng impormasyong ibibigay mo.

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa prodyuser ng proyekto na si Camila Pastorel
Tungkol sa Nominado:
Mangyaring sagutin ang lahat ng tanong sa abot ng iyong makakaya at kaalaman.

Question Title

* 1. Ano ang buong pangalan ng nominado?

Question Title

* 2. Sa isang maikling talata, mangyaring sabihin sa amin kung bakit sa palagay mo ay dapat isaalang-alang ang nominado para sa proyektong A Human Atlas Los Angeles?

Question Title

* 3. Sa aling sektor nagkaroon ng pinakamatinding epekto ang nominado? Piliin ang lahat ng naaangkop.

Question Title

* 4. Alin sa mga sumusunod na layuning panlipunan nagkaroon ng pinakamalalim na ambag ang nominado? Piliin ang lahat ng naaangkop.  Maaari mong ma-access ang isang komprehensibong listahan ng mga layuning panlipunan DITO.

Question Title

* 5. Saang mga lungsod o lugar sa loob ng County ng Los Angeles nagkaroon ng pinamakamalalim na epekto ang nominado?

Question Title

* 6. Sa abot ng iyong kaalaman, ano ang pagkakakilanlang pangkasarian ng nominado?

Question Title

* 7. Ano ang pangkat ng edad ng nominado?

T